3 oil gaints kakastiguhin ng Senado
November 5, 2002 | 12:00am
Ipapatawag ng Senado ang tatlong oil giants upang magpaliwanag ang mga ito dahil sa pangangatwirang kapag sumunod sila sa itinakda ng Clean Air Act (CAA) ay mangangahulugan daw ito ng pagtaas ng presyo ng kanilang produkto sa susunod na taon gayung itinanggi naman ito ng isang small player.
Sinabi ni Sen. Robert Jaworski, chairman ng Senate committee on environment and natural resources, taliwas ang katwirang ito sa pahayag ng Uni Oil, isang small player, na hindi dapat ipagpaliban ang pagpapatupad ng mga probisyon sa CAA dahil maaari naman itong gawin ng walang magaganap na pagbabago sa presyo ng kanilang produkto.
Sa ilalim ng CAA na ipatutupad sa Enero 2003 ay dapat bawasan ang aromatics mula 45% sa 35 percent habang ang benzene naman ay dapat maging 2 porsiyento na lamang mula sa kasalukuyang 4%.
Ipinaliwanag pa ni Jaworski na aalamin ng kanyang komite mula sa Pilipinas Shell, Caltex at Petron kung sino ang nagsasabi ng tutoo.
Duda naman si Energy Undersecretary J.V. Emmanuel de Dios sa naging pahayag ng Uni Oil na sumusunod na umano ito sa itinakda ng CAA dahil nakatanggap sila ng report na maging ang mga imported fuel products na sumusunod sa CAA standards ay mayroon pa ring additives na mapanganib sa kalusugan ng tao at kapaligiran.
Takdang ipatawag rin ng komite ang mga kinatawan ng Uni Oil upang panindigan ang kanilang pahayag na kahit sumusunod sila sa CAA provisions ay walang naging pagbabago sa kanilang presyo taliwas sa pahayag naman ng 3 oil giants. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 6 hours ago
By Doris Franche-Borja | 6 hours ago
By Ludy Bermudo | 6 hours ago
Recommended