Bagong amnesty program sa CPP-NPA niluluto
November 4, 2002 | 12:00am
Iginiit kahapon ni Senator Francis Pangilinan sa pamahalaang Arroyo na ipagpatuloy pa nito ang usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front (NDF) sa kabila ng pagbansag dito ng European Union (EU) bilang terrorist group.
Sinabi ni Pangilinan, chairman ng senate committee on justice and human rights, hindi dapat maging hadlang sa pagkakaroon ng tunay na kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at NDF ang naging desisyon ng EU na ituring ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA) bilang terorista.
Kaya naman isang bagong amnesty program ang binabalangkas ngayon ng pamahalaan para mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng miyembro ng CPP-NPA na magbalik-loob sa pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na ang bagong amnesty program ay pinag-aaralan pa ni Presidential Adviser on Peace Process Eduardo Ermita sa pakikipagtulungan ng National Amnesty Commission.
Ito anya ay isang pangganyak sa mga lider at miyembro ng rebeldeng komunista para sumuko at magbalik loob na sa pamahalaan. (Ulat nina Rudy Andal, Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
11 hours ago
Recommended