Sec. Reyes sasabak sa '2004
November 4, 2002 | 12:00am
Nag-iipon na umano ng pondo si Defense Secretary Angelo Reyes para sa ambisyon nitong tumakbo sa 2004 Presidential Elections.
Ito ang akusasyon ng tatlong grupo na umanoy heneral at hepe ng ibat ibang opisina ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na batay sa isang walang pirmang open letter na naka-address kay Pangulong Arroyo.
Ayon sa naturang white paper na ipinadala ng Force for Immediate Reforms and Efficiency (FIRE), Builders for Uninterrupted Progress (BUP) at Alliance for a Reform Military (ARM), ginagamit umano ni Reyes ang kanyang puwesto upang manipulahin ang sandatahang lakas at magnakaw ng pondo.
Inakusa ng mga grupo na may P500 milyon pondo buhat sa P1bilyong pondo para sa Internal Security Operations ng AFP ang inilagay para sa general headquarters sa pamamagitan ng umanoy kanyang kasabwat na si dating AFP Chief of Staff, General Domingo Villanueva.
Bukod dito,ayaw rin umano ni Reyes na magkaroon ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng New Peoples Army (NPA) dahil sa mga pondong makukuha umano nito sa digmaan kahit na malagasan ng mga sundalo.
Kasabwat din umano ang isang Undersecretary Antonio Santos sa pagmamanipula ng mga heneral ng AFP.Katunayan umano ay ang pagrekomenda nito kay General Benjamin Defensor upang maging Chief of Staff kahit na sa maikling panahon.
Itoy upang hindi umano makaporma ang magiging hepe ng AFP dahil sa kakulangan ng panahon at maging sunud-sunuran sa kanya dahil sa utang na loob.
Ang sumbong na ito ay nakarating na umano kay Pangulong Arroyo subalit hindi ito umaksiyon laban kay Reyes.
Nayayamot na umano ang mga Board of Generals ng AFP kayat magsasagawa sila ng imbestigasyon laban kay Reyes sa "P1billion ISO scam". (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am