10 Pinoy na nagsanay sa Al-Qaeda camps bumalik na sa bansa
November 3, 2002 | 12:00am
Nasa Metro Manila na umano ang 10 Filipino-Muslim na sumailalim sa apat na taong pagsasanay sa Al-Qaeda camps sa Afghanistan at nakatakdang maghasik ng kaguluhan at serye ng pambobomba sa bansa.
Ayon sa intelligence report ng US Central Intelligence Agency (CIA) sa Pilipinas, dumating sa dalawang batch ang Al-Qaeda trained terrorists noong October 18 at October 21 mula sa Madarash sa Pakistan via Thailand. Mula Bangkok ay kinuha nila ang Thai International Airlines flight.
Napag-alaman pa na posibleng dumiretso ang apat sa 10 Muslim area sa Quiapo, Manila at Quezon City habang ang anim pa ay sumakay ng domestic flight patungong Zamboanga City.
Muling nanawagan ang pamahalaang Amerika sa kanilang mamamayan na mag-ingat at umiwas munang magtungo sa ilang lugar sa Pilipinas.
Naniniwala ang US Embassy na posibleng hanggang sa pagdaraos ng Bagong Taon sa Enero 2003 ay makakaranas pa ang Pilipinas ng terror attacks mula sa mga hinihinalang kasapi ng terorista.
Kabilang sa mga pinaiiwasang puntahan sa mga American nationals ay ang parte ng Mindanao. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended