^

Bansa

.3-M Pinoy TNT sa US aarestuhin

-
Namemeligrong mapauwi sa bansa ang may 300,000 Pilipino na tinaguriang TNT (tago ng tago) sa Estados Unidos matapos na ihayag ng pamahalaang Amerika ang takdang pag-aresto sa kanila kaugnay ng ipinatutupad na "crackdown" laban sa mga illegal foreigners.

Mula sa panghuling talaan, umaabot sa estimasyon na 2.2 milyon ang mga Pinoy sa US kabilang na dito ang mga illegal na nagtatrabaho doon at nagtatago sa mga immigration officers. Karamihan sa mga ito ay dito na nagkapamilya, may hawak ng "green card" at American citizen na.

Gayunman, tiniyak ni Karen Kelly, tagapagsalita ng US Embassy sa Manila na bibigyan pa rin naman nila ng pagkakataon ang mga libu-libong Pilipino na maayos ang kanilang mga dokumento at makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang mapigil ang nakatakdang pag-aresto sa mga ito.

Magugunita na nauna nang idineport ang may 63 Pinoy na pawang naka-posas ng dumating sa bansa mula sa Amerika.

Naghigpit rin ang US laban sa mga illegal alien matapos maganap ang World Trade bombing sa New York. (Ulat ni Ellen Fernando)

AMERIKA

ELLEN FERNANDO

ESTADOS UNIDOS

GAYUNMAN

KAREN KELLY

NEW YORK

PILIPINO

PINOY

WORLD TRADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with