Ang public works projects na nakapaloob sa P804.2 bilyon 2003 budget ay tatawaging "peace and order" infrastructure.
Sinabi ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., chairman ng House committee on appropriations na ito ang kauna-unahang pagkakataon na maglalagay ng pondo para sa peace and order sa ilalim ng public works projects.
Kabilang sa programa ang pagtatayo ng 30 kalsada sa 16 probinsiya at dalawang siyudad sa bansa.
Kasama sa mga mabibiyayaang lalawigan sa Luzon ang Abra, Kalinga at Quezon habang sa Visayas ay Iloilo at Capiz.
Sa Mindanao ay magtatayo ng mas maraming road projects sa mga lalawigan ng Zamboanga del Norte, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Bukidnon, Lanao Norte, Davao Sur, North Cotabato, Sultan Kudarat, South Cotabato, Lanao Sur at Surigao Sur.
Ang dalawang siyudad sa Mindanao na bibigyan din ng road projects ay ang Zamboanga at Cotabato.
Inaasahang mapapabilis na ang kalakalan sa mga nabanggit na lugar sa sandaling maitayo na ang mga proyekto. (Ulat ni Malou Escudero)