^

Bansa

P1-B road projects 'isusuhol' sa mga rebelde

-
Upang hindi na magsentimiyento ang mga rebelde sa iba’t ibang panig ng bansa na kinalilimutan na sila ng gobyerno, P1 bilyong halaga ng road projects ang inilaan sa kanila ng pamahalaan para sa susunod na taon.

Ang public works projects na nakapaloob sa P804.2 bilyon 2003 budget ay tatawaging "peace and order" infrastructure.

Sinabi ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., chairman ng House committee on appropriations na ito ang kauna-unahang pagkakataon na maglalagay ng pondo para sa peace and order sa ilalim ng public works projects.

Kabilang sa programa ang pagtatayo ng 30 kalsada sa 16 probinsiya at dalawang siyudad sa bansa.

Kasama sa mga mabibiyayaang lalawigan sa Luzon ang Abra, Kalinga at Quezon habang sa Visayas ay Iloilo at Capiz.

Sa Mindanao ay magtatayo ng mas maraming road projects sa mga lalawigan ng Zamboanga del Norte, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Bukidnon, Lanao Norte, Davao Sur, North Cotabato, Sultan Kudarat, South Cotabato, Lanao Sur at Surigao Sur.

Ang dalawang siyudad sa Mindanao na bibigyan din ng road projects ay ang Zamboanga at Cotabato.

Inaasahang mapapabilis na ang kalakalan sa mga nabanggit na lugar sa sandaling maitayo na ang mga proyekto. (Ulat ni Malou Escudero)

CAMARINES SUR REP

DAVAO SUR

LANAO NORTE

LANAO SUR

MALOU ESCUDERO

NORTH COTABATO

ROLANDO ANDAYA JR.

SA MINDANAO

SOUTH COTABATO

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with