Sa kanilang opisyal na pahayag, sinabi ng RAM-Guardians na hindi umano kailanman pagagamit ang kanilang grupo sa anumang uri ng destabilisasyon tulad ng napaulat na binabalak ng Peoples Consultative Assembly (PCA) ni Linda Montayre.
Pero inamin nila na nililigawan umano ng isang hindi pinangalanang grupo ang ilan nilang miyembro. Nagsasagawa umano ng recruitment ang naturang grupo sa pamamagitan lamang ng mga pangako at pagpapainom sa mga ito.
Kahapon ay nagpulong ang RAM sa loob ng Camp Aguinaldo at napagkasunduan ng mga matataas na opisyales nito na hindi na sila kailanman makikisangkot sa anumang kudeta o anumang madugong uri ng destabilisasyon.
Nilinaw rin ng RAM na ang Guardian unit sa pamumuno ni Senador Gringo Honasan ay hindi na nila kasapi at unti-unti na rin umanong lumiit dahil sa paglipat sa kanila ng mga miyembro nito. (Ulat ni Danilo Garcia)