^

Bansa

Guardians nagbabala

-
Nagbabala kahapon ang grupong Guardians ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM) sa grupong gumagamit sa kanila para maghasik ng takot ng kudeta at pabagsakin ang pamahalaan na huwag nang ipagpatuloy ang kanilang plano.

Sa kanilang opisyal na pahayag, sinabi ng RAM-Guardians na hindi umano kailanman pagagamit ang kanilang grupo sa anumang uri ng destabilisasyon tulad ng napaulat na binabalak ng People’s Consultative Assembly (PCA) ni Linda Montayre.

Pero inamin nila na nililigawan umano ng isang hindi pinangalanang grupo ang ilan nilang miyembro. Nagsasagawa umano ng recruitment ang naturang grupo sa pamamagitan lamang ng mga pangako at pagpapainom sa mga ito.

Kahapon ay nagpulong ang RAM sa loob ng Camp Aguinaldo at napagkasunduan ng mga matataas na opisyales nito na hindi na sila kailanman makikisangkot sa anumang kudeta o anumang madugong uri ng destabilisasyon.

Nilinaw rin ng RAM na ang Guardian unit sa pamumuno ni Senador Gringo Honasan ay hindi na nila kasapi at unti-unti na rin umanong lumiit dahil sa paglipat sa kanila ng mga miyembro nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

CAMP AGUINALDO

CONSULTATIVE ASSEMBLY

DANILO GARCIA

KAHAPON

LINDA MONTAYRE

NAGBABALA

NAGSASAGAWA

NILINAW

REBOLUSYONARYONG ALYANSANG MAKABANSA

SENADOR GRINGO HONASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with