^

Bansa

4 Pinoy sa Kuwait absuwelto sa pagpatay

-
Apat na Pilipino na inakusahang sangkot sa pagpatay sa isang Canadian national ang inabsuwelto ng Kuwaiti Court of Appeals.

Si Mary Jane Bitos, kasama ang tatlo pang Pinoy na sina Teddy Tomaro, Noraisa Esick at Lourdes Viray ay pinawalang sala sa akusasyong pinagplanuhan nila ang pagpatay sa asawa ni Bitos na si Luc Either noong nakalipas na taon.

Sa police record, pinagbabaril sina Either at Bitos ng isang di kilalang lalaki habang namamalengke ang dalawa sa isang fishmarket malapit sa Fahaheel, Kuwait. Nakaligtas si Bitos sa nasabing pananambang.

Bukod dito, 3 pang Pinoy na isinasangkot sa kaso ang una nang pinalaya matapos mapawalang sala. Ito’y sina Jaime Vinuya, Rosalia Baclig at Edgar Nobya.

Ang mga ito ay takdang umuwi sa bansa sa susunod na linggo. (Ulat ni Ellen Fernando)

EDGAR NOBYA

ELLEN FERNANDO

JAIME VINUYA

KUWAITI COURT OF APPEALS

LOURDES VIRAY

LUC EITHER

NORAISA ESICK

PINOY

ROSALIA BACLIG

SI MARY JANE BITOS

TEDDY TOMARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with