Sa tatlong pahinang resolusyon, sinabi ng mga justices na maraming paraan upang alalahanin ang mga namayapang mahal sa buhay gaya ng pagdarasal.
Sinabi pa ng korte na isang masamang precedent kung papayagan ang mag-ama na lumabas sa Veterans Memorial Medical Center dahil sa posibilidad na bahain ng katulad na kahilingan ng ibang bilanggo ang ibat ibang korte sa bansa.
Kailangan ding gumastos ang pamahalaan ng nasa P2 milyon para lamang sa security ng mag-ama kapag pinagbigyan nila ang petisyon.
Ipinaalala pa ng korte na sa pagdalo lamang ng mag-ama sa hearing sa Sandiganbayan ay gumagastos ang pamahalaan ng nasa P1 milyon kada araw para sa kanilang seguridad.
Sa magkahiwalay na petisyon, hiniling ni Estrada na mabisita ang kanyang ama sa San Juan Cemetery samantala si Jinggoy ay nais madalaw ang lola sa isang sementeryo sa Iba, Zambales. (Ulat ni Malou Escudero)