Pulis sa nagpatakas sa bomber pinasisibak ni GMA
October 28, 2002 | 12:00am
Pinasisibak ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang lahat na responsableng pulis na nagpabaya sa tungkulin na naging daan sa pagtakas sa piitan ni Abdul Basit Usman, 28-anyos ng Brgy. Bentong, Polomolok, South Cotabato at suspek sa pagpapasabog ng bomba sa General Santos City noong Abril 21.
Si Usman, miyembro ng Abu Sayyaf Group ay isa umanong bomb explosive expert na pinaniniwalaang nagtanim ng bomba sa labas ng Fitmart Mall sa General Santos City na ikinasawi ng 15 katao at ikinasugat ng humigit-kumulang na 100 iba pa.
Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, na humingi na ng konsultasyon si PNP Chief, Director General Hermogenes Ebdane kay Interior and Local Government Secretary Joey Lina para sa paglalapat ng mabigat na parusa sa mga iresponsableng pulis.
Tiniyak ni Tiglao na susuportahan ng Pangulo ang pagpapasibak sa tungkulin sa lahat ng responsable sa pagkakatakas ni Usman dahil sa kapabayaan.
Sa naganap na pangyayari, sinibak kahapon sa puwesto si P/Chief Insp. Auselito Cabang, hepe ng 1206th Police Provincial Mobile Group (PPMG) na siya umanong may direktang hurisdiksyon sa kinapipiitan ni Usman.
Nakatakas si Usman sa kanyang detention cell sa Saranggani Provincial Command sa Kawas, Alabel. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended