^

Bansa

Mendoza, Lastimoso ihahabla sa smoke belching

-
Tinaningan ng mga abogado ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ng isang buwan sina Transportation and Communications Secretary Leandro Mendoza at Land Transportation Office Chief Roberto Lastimoso na alisin sa mga lansangan ang mga sasakyang smoke belchers kundi’y mahaharap sila sa demanda.

Sa kanilang ultimatum na ipinahatid sa e-mail sa dalawang opisyal, tinukoy ng mga abogado ang may sampung kompanya ng transportasyon na anila’y pangunahing lumalabag sa Clean Air Act.

Kabuuang 1,200 smoke belching na behikulo ang kumpirmado ng Bantay Kalikasan sa isinasagawang nitong ‘Text-Usok’ campaign.

Binatikos ng IBP lawyers ang mga naturang opisyal na anila’y "pabaya sa tungkulin" dahil hindi inaaksyunan ang mga kompanyang inirereklamo sa kabila ng perwisyong dulot sa taumbayan.

Sa ilalim ng Clean Air Act, posibleng sibakin sa tungkulin ang mga opisyal na mapapatunayang pabaya at ipagharap ng kaukulang demanda.

Apat na koponan na tinaguriang "Strike Forces" mula sa iba’t ibang sektor ang itinatag upang isakatuparan ang lahat ng aspeto ng krusadang ito.

Ang Team A, ang magdadala kay Mendoza at Lastimoso ng formal notice to sue.

Ang Team B naman ang kukuha sa Securities and Exchange Commission (SEC) ng mga pangalan ng mga may-ari ng kompanyang lumalabag sa anti-smoke belching laws at Clean Air Act.

Ang Team C ang siyang magsasampa ng kaukulang administrative charges sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) upang matanggalan ng prangkisa ang mga violators.

Habang ang Team D na kinabibilangan ng mga defense lawyers ang siyang magtatanggol sa mga mamamayan o opisyal na nagiging biktima ng harassments suits dahil sa kanilang mahigpit na pagpapatupad sa naturang batas.

ANG TEAM A

ANG TEAM B

ANG TEAM C

BANTAY KALIKASAN

CLEAN AIR ACT

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION OFFICE CHIEF ROBERTO LASTIMOSO

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with