Sinabi ni Sen. Revilla na maraming Pilipino ang namamatay dahil hindi ito makabili ng gamot dahil sa sobrang kamahalan ng presyo nito.
Ayon kay Revilla, natuklasan niya na mayroong 2,900 new players ang nagsumite ng kanilang certificate of product registration sa BFAD mula pa noong 1999 subalit hindi ito inaaksiyunan.
Aniya, dapat payagan ng gobyerno ang pagpasok ng mga bagong player sa pharmaceutical products upang mapababa natin ang presyo ng gamot kung saan ay magkakaroon din ng options ang taumbayan kung anong brand ng gamot ang kanilang bibilhin. (Ulat ni Rudy Andal)