^

Bansa

Sen. Revilla umalma sa moratorium ng BFAD

-
Kinuwestiyon kahapon ni Senator Ramon Revilla Sr. ang ipinaiiral na moratorium ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) kaugnay sa aplikasyon ng mga new players upang umangkat ng murang gamot mula sa ibang bansa.

Sinabi ni Sen. Revilla na maraming Pilipino ang namamatay dahil hindi ito makabili ng gamot dahil sa sobrang kamahalan ng presyo nito.

Ayon kay Revilla, natuklasan niya na mayroong 2,900 new players ang nagsumite ng kanilang certificate of product registration sa BFAD mula pa noong 1999 subalit hindi ito inaaksiyunan.

Aniya, dapat payagan ng gobyerno ang pagpasok ng mga bagong player sa pharmaceutical products upang mapababa natin ang presyo ng gamot kung saan ay magkakaroon din ng options ang taumbayan kung anong brand ng gamot ang kanilang bibilhin. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

AYON

GAMOT

KINUWESTIYON

PILIPINO

REVILLA

RUDY ANDAL

SENATOR RAMON REVILLA SR.

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with