200 police chiefs, commanders nag-training
Sumailalim na rin sa seryosong pagsasanay ang may 200 hepe ng pulisya at field commanders ng PNP laban sa terorismo upang maging handa sa inaasahan pang maraming pagsalakay ng mga terorista sa bansa. Nagtipon kahapon sa PNP general headquarters sa Camp Crame ang naturang 200 opisyal sa Metro Manila at mga lalawigan kung saan sumasailalim sila sa pag-aaral sa pangunguna ni Directorate for Human Resources and Doctrine Development, director Avelino Razon. Pinagtuunan ng pagsasanay ang pag-aaral at pagpapatupad ng mga nakasaad sa walong modules na nakatuon sa pagkalap ng impormasyon at pagsugpo sa mga terorista. (Ulat ni Danilo Garcia)