Recto napikon sa outing
October 26, 2002 | 12:00am
Sinabon kahapon ni Senator Ralph Recto ang mga staff nito partikular ang abogadong nagpayo dito na balewalain ang out-of-town trip para sa mga Senate reporters at magpahinga na lang at unahing ayusin ang umanoy di nila pagkakaunawaan ni Lipa Mayor Vilma Santos-Recto.
Nagpupuyos sa galit si Sen. Recto nang mabasa nito sa mga tabloid ang negatibong istorya matapos nitong kanselahin ang itinakda nitong outing sa Batangas para sa mga mamamahayag ng Senado.
Lalong nagalit ang mambabatas dahil lumilitaw pa na ang dahilan ay ang lovers quarrel nila ni Ate Vi.
Nabatid na isang araw bago tumulak patungong Batangas ang mga reporter ay ibinalita ng mga staff ni Recto na hindi matutuloy ang outing dahil umano sa komplikasyon ng schedule ng senador at dahil na rin sa umanoy LQ nila ni Ate Vi.
Ito ang pangalawang pagkakataon na kinansela ni Recto ang outing kaya nanggalaiti naman sa galit ang mga reporter dahil ilan sa kanila ay nakapag-impake na at nakapagpaalam na sa kanilang opisina at pamilya.
Kahapon, napag-alaman ng mga reporter na isang abugado pala ni Recto ang nagpayo sa senador na balewalain na lamang ang naka-schedule na outing at magpahinga na lang. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest