GMA dumalo sa APEC meet
October 25, 2002 | 12:00am
Umalis na kahapon patungong Los Cabos, Mexico si Pangulong Arroyo para dumalo sa 10th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Meeting.
Kasama ng Pangulo si First Gentleman Mike Arroyo at ang kanyang official entourage kasama ang ilang miyembro ng kanyang Gabinete na sina DFA Sec. Blas Ople, Trade Sec. Manuel Roxas at Press Sec. Ignacio Bunye.
Batay sa media advisory na ipinalabas ng Malacañang, may maiksing stop-over ang Pangulo sa Honolulu, Hawaii, Los Angeles, San Diego at San Jose, California para makipag-ugnayan sa mga Filipino communities.
Isusulong ng Pangulo ang kapakanan ng ekonomiya ng bansa at magkakatuwang nilang ihahanap ng solusyon ang problema ng terorismo sa pagdalo niya bukas sa dalawang araw na APEC meet. Pitong araw ang naka-schedule na working visit ng Pangulo sa US at Mexico. (Ulat nina Butch Quejada/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended