^

Bansa

5 Zambo bombers kinasuhan na

-
Sinampahan na ng kaso ng Philippine National Police (PNP) sa Departmet of Justice ang limang miyembro ng Abu Sayyaf na responsable sa serye ng pambobomba sa Zamboanga City.

Sinabi ni Justice Secretary Hernando Perez, sinampahan na ng mga kasong illegal possession of firearms and explosives at murder kay State Prosecutor Ruben Zacarias ang mga suspek na sina Abdul Jamin Asnul Habi alyas Abdul Asis, 18; Buyungan Bungkaka alyas Jul, 19; Rajak Saguyaman alyas Rajak, 27 pawang residente ng Zamboanga City; Bas Ismael alyas Big Boy/Arab-Arab, 18 at Madznul Abdula Ladja alyas Arjhon Morales/Eddie, 23 kapwa ng Siasi, Sulu.

Ang mga suspek ay miyembro ng ASG sa ilalim ng pamumuno ni commander Abu Solaiman.

Kaugnay nito, sinabi naman ni DOJ Chief state Prosecutor Jovencito Zuno na bumuo na sila ng panel for investigation upang mangalap ng mga dokumento at ebidensiya na siyang magdidiin sa mga suspek.

Magugunita na ang mga suspek ang sinasabing responsable sa serye ng pambobomba sa Zamboanga City noong nakaraang linggo. (Ulat ni Gemma Amargo)

ABDUL ASIS

ABDUL JAMIN ASNUL HABI

ABU SAYYAF

ABU SOLAIMAN

ARJHON MORALES

BAS ISMAEL

BIG BOY

BUYUNGAN BUNGKAKA

DEPARTMET OF JUSTICE

GEMMA AMARGO

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with