Ebdane humingi ng dispensa sa maling Abu
October 23, 2002 | 12:00am
Humingi ng dispensa si PNP chief Gen. Hermogenes Ebdane matapos na aminin nito na nagkamali sila sa presentasyon ng umanoy isa sa mataas na lider ng Abu Sayyaf Group kung saan nakuryente rin nila pati si Pangulong Arroyo.
Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi ni Ebdane na matapos beripikahin ang katauhan ng nadakip na ASG member na si Mark Bolkerin Gumbahale, nadiskubre nila na ito ay si alyas Abu Tagalog at hindi ito si Dr. Abu Pula na may patong na P5 milyon at nasa order of battle ng Estados Unidos.
Sinabi ni Ebdane na kinuryente umano sila ni Gumbahale matapos na aminin nito na siya ang Dr. Abu Pula na nakalagay ang larawan sa order of battle at kasama sa 8 lider ng ASG.
Kahit na nagkamali, sinabi ni Ebdane na isa pa ring accomplishment ang pagkakadakip kay Gumbahale na isa sa aide ng napaslang na si ASG spokesman Abu Sabaya dahil isa pa rin umano itong malaking isda na kanilang nabitag. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest