3,000 kilong bomba nasabat
October 23, 2002 | 12:00am
Masusing sinisiyasat ng mga awtoridad kung mga teroristang ugnay sa Al Qaeda ang nasa likod ng nakumpiskang 3,000 kilo ng sangkap sa paggawa ng bomba sa isang checkpoint sa Lucena City sa lalawigan ng Quezon.
Apat na pahinante ang inaresto, samantala bineberipika na ngayon ng pulisya ang katauhan ng mga suspek kung anong grupo kaalyado ang mga ito. Posibleng terorista umano ang utak sa pagpupuslit dahil sa napakalaking kantidad ng mga delikadong kemikal.
Base sa ulat ng Lucena police na nakarating sa Camp Crame, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na magbabagsak ng mga sangkap ng bomba ang mga suspek sa Bgy. Cotta sa Lucena City kaya dakong alas-6 kahapon ng umaga ay agad kinordon ang lugar at inabangan ang mga suspek na lulan ng isang trak.
Dito naaktuhan ang mga suspek habang ibinababa ang may 120 sako ng ammonium nitrate, 40 sako ng potassium nitrate at 2 drum ng cyanide. Kinilala ang mga naarestong sina Luterio Libra, Jaime Cabrera, Bering Biazon at Ferdinand Matro.
Nabatid na ang naturang kargamento ay nakapangalan sa isang Virginia Letran ng Makati City na may-ari ng ADG Marketing habang ang consignee naman nito ay isang Tintin Valera, ng Brgy. Cotta.
Wala ring maipakitang kaukulang dokumento ang mga suspek kung kayat agad inaresto ang apat at kinumpiska ang kanilang kargamento.
Ayon sa mga suspek, sila ay mga pahinante lamang at napag-utusan upang ideliber ang nasabing mga kargamento mula sa Makati City patungong Lucena. Anila, gagawin umanong pataba sa halaman ang naturang mga sangkap.
Gayunman, binanggit ng mga awtoridad na may posibilidad na gamitin ang mga ammonium at sodium nitrate sa dynamite fishing na talamak na nagaganap sa Tayabas bay.
Kasalukuyan pang sumasailalim sa imbestigasyon ang mga suspek kung saan malaki umano ang posibilidad na maaaring mapasakamay ang naturang mga pampasabog sa grupong New Peoples Army (NPA) na aktibong kumikilos sa lalawigan. (Ulat nina Danilo Garcia at Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest