Meralco, First Gas nilinis ni Joker

Binigyan ng Senado ang Manila Electric Company (Meralco) at isa sa independent power producers (IPPs) nito, ang First Gas Power Corp. ng "clean bill" upang maipagpatuloy ang kanilang negosyo bilang suporta sa naunang pahayag ng Energy Regulatory Commission.

"The power supply contract between Meralco and its IPPS is confirmed by government with the blessings of the Department of Energy and the ERC," sabi ni Sen. Joker Arroyo, chairman ng Senate committee on public service sa pagpapatuloy ng pagdinig sa aplikasyon ng Meralco para sa renewal ng franchise sa power distribution.

Sinabi ni Arroyo na hindi siya inclined sa pagsagawa ng malalimang imbestigasyon sa business arrangement ng Meralco at IPPS nito sa pagitan ng Napocor dahil sa ito ay masusing pinag-aralan at nirebisa ng state regulatory bodies.

"The regulatory body (ERC) does not find anything wrong with the business activities of Meralco," ani Arroyo kasabay ng panawagan sa mga pangunahing power retailer at Napocor na gumawa ng hakbang para bumaba ang singil sa kuryente ng Meralco sa renewal ng francise sa power distribution.

Matatandaang si dating sen. Juan Ponce Enrile ay nagsampa sa Meralco at IPPs ng mga kasong "panloloko sa tao" dahil sa overcharges, ghost deliveries ng elektrisidad, sweetheart deals, abuse of franchise at iba pang paglabag, gayong ang mga pangunahing opisyales na kinabibilangan nina Energy Undersecretary Cyril del Cuellar at ERB chairman Leticia Ibay ay nilinis ang Meralco at First Gas sa kanilang reportorial requirements at kinumpirma na ang sister companies submissions ay naging transparent at above board.

Base sa testimonya ng komite, sinabi ni Meralco president at chief operating officer Jesus Francisco na: "As a franchise holder, Meralco has always submitted itself to regulation by the state..The fact that Meralco operates in a highly regulated industry is in itself a safeguard against what Mr. Enrile refers to as the continued abuse of Meralco of its customers." (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments