CBCP pinadi-default sa korte
October 21, 2002 | 12:00am
Ipinadi-default ng Mandaluyong City Regional Trial Court ang CBCPNet dahil sa pagkabigo ng mga ito na tumugon sa isinampang reklamong di pagbabayad ng umanoy P20 milyong pagkakautang sa isang furniture firm.
Ang CBCPNet, na Internet service provider ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ay sinampahan ng kaso ng Spinbase International Corp., dahil sa hindi umano pagbabayad ng may P 19,787,644 office furniture na kanilang inutang.
Ang kaso ay isinampa ng Spinbase sa Mandaluyong RTC noong nakalipas na Agosto 30 at pinatawag ng korte noong Setyembre 9 ang CBCP,CBCPNet at CBCP World bilang co-defendants.
Ayon kay Atty. Reynaldo T. Dizon, abogado ng Spinbase na kasalukuyan ay wala pang isinasampa ang CBCPNet sa kanilang isinampang Motion to Declare CBCPNet in Default.
Sinabi ni Dizon, sa ilalim ng batas,kung ang nasasakdal ay nabigong sumagot sa itinakdang panahon siya ay idedeklarang default.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest