Ayon kay Legarda, ngayong araw na ito ay ipapasa ng Senado ang bersyon ng Absentee Voting bill matapos naipasa noong nakaraang linggo ang bersyon ng House bill 3570 ng Kamara.
Ang Senate bill 2104 kung saan ay co-author at co-sponsor si Legarda ay nakatakdang aprubahan ngayong araw na ito sa ikatlo at huling pagbasa upang ang 2 bersyon sa Absentee Voting ay dumaan sa bicameral conference committee upang pag-isahin ang nasabing panukala bago ito lagdaan ni Pangulong Arroyo upang maging ganap na batas.
Iginiit naman ni Sen. Edgardo Angara, chairman ng senate committee on constitutional ammendments, revision of codes and laws na hindi magagamit sa pandaraya sa darating na 2004 elections ang Absentee Voting dahil sa mga safeguards ng naturang panukalang batas. (Ulat ni Rudy Andal)