^

Bansa

Absentee Voting bill maipapasa sa Senado

-
Siniguro ni Senate Majority Leader Loren Legarda-Leviste na maipapasa ng Senado ang Absentee Voting bill na magbibigay ng karapatan sa may 7 milyong OFWs na makaboto sa darating na 2004 elections.

Ayon kay Legarda, ngayong araw na ito ay ipapasa ng Senado ang bersyon ng Absentee Voting bill matapos naipasa noong nakaraang linggo ang bersyon ng House bill 3570 ng Kamara.

Ang Senate bill 2104 kung saan ay co-author at co-sponsor si Legarda ay nakatakdang aprubahan ngayong araw na ito sa ikatlo at huling pagbasa upang ang 2 bersyon sa Absentee Voting ay dumaan sa bicameral conference committee upang pag-isahin ang nasabing panukala bago ito lagdaan ni Pangulong Arroyo upang maging ganap na batas.

Iginiit naman ni Sen. Edgardo Angara, chairman ng senate committee on constitutional ammendments, revision of codes and laws na hindi magagamit sa pandaraya sa darating na 2004 elections ang Absentee Voting dahil sa mga safeguards ng naturang panukalang batas. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ABSENTEE VOTING

ANG SENATE

AYON

EDGARDO ANGARA

IGINIIT

LEGARDA

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

SENADO

SENATE MAJORITY LEADER LOREN LEGARDA-LEVISTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with