Sa isang panayam, sinabi ng dating pangulo na ang hinihinging professional fee ay nakasaad sa isang liham ni Dr. Mow kay Senadora Loi Ejercito na may petsang Setyembre 23. Hindi pa kasama sa nabanggit na halaga ang bayad sa aktuwal na operasyon.
Kung talaga anyang hindi mabibigyan ng pahintulot ng Sandiganbayan si Estrada na makapunta sa US para doon gawin ang operasyon, sinabi ni Mow na kailangan muna ding mabisita niya ang St. Lukes Hospital o kayay Asian Hospital kung mayroong sapat na pasilidad sa isasagawang operasyon.
Bukod sa mataas na professional fee sa pagsusuri, hinihingi ni Mow na mabigyan siya ng seguridad sa panahon ng kanyang pananatili sa bansa at kailangan din siyang bigyan ng first class na paglalakbay sa eroplano at akomodasyon sa Manila Peninsula Hotel. Mula apat hanggang lima katao ang makakasama ni Dr. Mow sa pagsusuri kay Estrada.
Si Dr. Mow ay takdang ipatawag ng Ombudsman para tumestigo sa Sandiganbayan sa sandaling pumunta siya sa bansa para alamin dito kung talagang kailangan bang operahan si Estrada sa Stanford Hospital sa Amerika. (Ulat ni Lilia Tolentino)