^

Bansa

Professional fee ng doktor ni Erap, $65T

-
Humihingi ng $65,000 bilang professional fee si Dr. Christopher Mow sa pagbisita sa bansa para suriin ang tuhod ni dating Pangulong Estrada at para alamin kung kakayaning gawin ang operasyon sa Pilipinas.

Sa isang panayam, sinabi ng dating pangulo na ang hinihinging professional fee ay nakasaad sa isang liham ni Dr. Mow kay Senadora Loi Ejercito na may petsang Setyembre 23. Hindi pa kasama sa nabanggit na halaga ang bayad sa aktuwal na operasyon.

Kung talaga anyang hindi mabibigyan ng pahintulot ng Sandiganbayan si Estrada na makapunta sa US para doon gawin ang operasyon, sinabi ni Mow na kailangan muna ding mabisita niya ang St. Lukes Hospital o kaya’y Asian Hospital kung mayroong sapat na pasilidad sa isasagawang operasyon.

Bukod sa mataas na professional fee sa pagsusuri, hinihingi ni Mow na mabigyan siya ng seguridad sa panahon ng kanyang pananatili sa bansa at kailangan din siyang bigyan ng first class na paglalakbay sa eroplano at akomodasyon sa Manila Peninsula Hotel. Mula apat hanggang lima katao ang makakasama ni Dr. Mow sa pagsusuri kay Estrada.

Si Dr. Mow ay takdang ipatawag ng Ombudsman para tumestigo sa Sandiganbayan sa sandaling pumunta siya sa bansa para alamin dito kung talagang kailangan bang operahan si Estrada sa Stanford Hospital sa Amerika. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ASIAN HOSPITAL

DR. CHRISTOPHER MOW

DR. MOW

LILIA TOLENTINO

MANILA PENINSULA HOTEL

PANGULONG ESTRADA

SANDIGANBAYAN

SENADORA LOI EJERCITO

ST. LUKES HOSPITAL

STANFORD HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with