Ang kautusan ni QCRTC Judge Jose Paneda ng Branch 220 ay kaugnay na rin sa petisyong inihain ng PICOP Resources Inc. kung saan tumanggi si Alvarez na lagdaan ang nasabing IFMC contract matapos na maibigay ng naturang kompanya ang lahat ng requirements para sa automatic conversion ng Timber Licensed Agreement na maging IFMC.
Lumilitaw na ang pagtanggi ni Alvarez ang siyang naging dahilan ng pagkaantala umano ng kompanya na makagawa ng kanilang ibinebentang produkto.
Kasabay nito, hinihiling din ng PICOP sa korte na atasan si Alvarez na kilalanin ang unang napagkasunduang kontrata sa pagitan ng kanilang kompanya. Magsisimulang magbayad ng P10 milyon si Alvarez simula Mayo 2002.
Samantala, magsasampa naman ng motion for reconsideration ang DENR sa korte. Hindi pa anya pinal ang desisyon dahil mayroon pa silang 15 araw upang magharap ng motion. (Ulat ni Doris Franche)