^

Bansa

Way Kurat binigyan ng kotse ni MJ?

-
Pinabulaanan kahapon ni Compostela Valley Rep. Manuel "Way Kurat" Zamora ang lumabas na ulat sa isang magazine na tumanggap siya ng sasakyan mula kay Manila Rep. Mark Jimenez bilang suhol umano.

Sinabi ni Zamora sa isang press conference na wala siyang tinatanggap na sasakyan mula kay Jimenez at ang sinasabi umanong Mitsubishi Space Wagon na paminsan-minsan niyang ginagamit ay pag-aari ng kanyang chief of staff na si Robert Delano.

Ipinakita pa ni Zamora sa mga mamamahayag ang rehistro ng sinasabing Space Wagon na ginagamit niya upang patunayan na pag-aari ito ng kanyang chief of staff.

Nakuha ni Delano ang nasabing Space Wagon sa pormang goodwill sa pinaglingkurang amo na si dating Compostela Valley Rep. Rogelio Sarmiento sa halagang P100,000 kung saan may nalalabi pang balanseng P20,000 noong 11th Congress.

Bagaman at isa umano siya sa pinakamahirap na kongresista, hindi pa rin nagbabago ang kanyang lifestyle at bisikleta pa rin ang madalas niyang sakyan papasok ng Batasan.

Magugunitang unang sumikat si Zamora sa kanyang mga kasamahang kongresista dahil sa paggamit ng bisikleta na may numerong 8 papasok sa trabaho.

Natigil ang paggamit niya nito ng makatanggap ng death threat dahil sa pagtutol niya sa pagmimina sa Compostela Valley.

Gayunman, inamin ni Zamora na totoong inalok siya ni MJ ng sasakyan noong isang taon matapos mapaulat na siya ang pinakamahirap na congressman ngunit hindi naman niya ito tinanggap. (Ulat ni Malou Escudero)

COMPOSTELA VALLEY

COMPOSTELA VALLEY REP

MALOU ESCUDERO

MANILA REP

MARK JIMENEZ

MITSUBISHI SPACE WAGON

ROBERT DELANO

ROGELIO SARMIENTO

SPACE WAGON

ZAMORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with