OGCC chief sinibak sa Piatco deal
October 16, 2002 | 12:00am
Sinibak ng Malacañang si Justice Amado Valdez bilang pinuno ng Office of Government Corporate Counsel (OGCC) kaugnay ng umanoy usapin sa Piatco deal sa NAIA terminal 3.
Inihayag ni Press Secretary Ignacio Bunye ang pagkakatalaga kay Justice Undersecretary Manuel Teehankee bilang bagong OGCC head.
Ayon kay Bunye, ang unang plano ni Pangulong Arroyo ay pagpapalitin lamang ng puwesto sina Teehankee at Valdez, pero sinabi ni Bunye na hindi umano tinanggap ni Valdez ang puwesto sa DOJ bilang undersecretary dahil hindi naman umano inalok sa kanya.
Ayon sa source, napag-initan si Valdez dahil sa hindi kursunada ni Presidential Assistant on Strategic Concerns Gloria Tan Climaco ang opinyon niya sa Piatco deal. Gusto ni Climaco na ipawalambisa ang buong kontrata samantalang nais ni Valdez na ilang probisyon lamang ang alisin. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended