Base sa isinagawang survey ng Global New Economy Index Meta Group sa Pilipinas, nabatid na nanguna ang mga Pinoy sa angking talento pagdating sa makabagong teknolohiya ng Information and Communications Technology (ICT).
Nabatid na mga Pinoy ang isa sa binibigyan ng prayoridad ng bansang Australia, America, Canada at France na makapasok sa nabanggit na makabagong teknolohiya.
Dahil dito seryoso ang konsentrasyon ni Chito Salazar, presidente at chief executive officer ng Systems Technology Institute (STI) na mabigyan ang mga estudyanteng Pinoy ng mataas na antas sa sistema ng edukasyon pagdating sa computer.
Sa mataas na antas na edukasyon na ibinibigay ng STI handa ang mga Pinoy na makipagsabayan sa mga dayuhan tulad ng mga Amerikano.
Hindi lamang ang computer ang binibigyan nito ng mataas na sistema ng edukasyon maging ang iba pang kurso, tulad ng accounting, engineering, education at nursing na makikipag-merge sa Delos Santos College. (Ulat ni Lordeth Bonilla)