22 Abu Sayyaf dedo sa Marines
October 13, 2002 | 12:00am
Labing-isang (11) tauhan ng Philippine Marines ang kumpirmadong napaslang habang 25 pa ang nasugatan habang tinataya namang doble ang bilang ng mga casualties sa panig ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na may hawak sa tatlong Indonesian crewmen matapos na magpang-abot ang dalawang grupo sa liblib na bahagi ng Patikul, Sulu kahapon ng umaga.
Ayon sa isang military official, nagtamo umano ng higit na casualties o doble ang mga bandidong kidnappers na pinaniniwalaang madagdagan pa habang patuloy pa rin ang mainitang engkuwentro.
Eleven Marine soldiers were killed while 25 were wounded but it doubles the figures on the enemy side, pahayag ng opisyal.
Gayunman, tumanggi ang opisyal na tukuyin ang mga pangalan ng mga nasawing Philippine Marine troopers dahil kailangan pang impormahan ang kanilang mga pamilya.
Sa isang phone interview, sinabi naman ni Brig. Gen. Romeo Tolentino, Deputy Chief ng AFP Southcom na nakabase sa Zamboanga City na kasalukuyan pa nilang dinedetermina ang bilang ng mga napaslang na kalaban habang patuloy pa rin ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng militar at ng mga bandido.
Karamihan umano sa napaslang na mga bandido ay binitbit na ng kanilang mga kasamahan at para ilibing habang nagkalat rin ang dugo sa encounter site.
Nabatid na sumiklab ang sagupaan dakong alas-7:20 ng umaga matapos na maispatan ng mga elemento ng 3rd Marine Company, Marine Battalion Landing Team (MBLT) 3 sa ilalim ng pamumuno ni Col. Benedicto Corona ang may 30 tauhan ni ASG Commander Radulan Sahiron sa masukal at magubat na lugar ng Sitio Kadiamak, Bgy. Darayon sa bayan ng Patikul.
Ang grupo ni Commander Sahiron ang may hawak sa tatlo pang nalalabing Indonesian hostages na sina Muntu Jacobus Winowatan, ship captain, Peter Lerrich, Chief Engineer at isang nagngangalang Julkipil na pakay ilig-tas sa inilunsad na Operation Endgame ng militar. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended