Kasalanan ng NPA kung bansagan man silang terorista
October 12, 2002 | 12:00am
Hindi dapat sisihin ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang pamahalaan kung tawagin man silang mga terorista ng Estados Unidos dahil sila rin ang may kagagawan nito kaugnay ng ginagawa nilang karahasan.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Eduardo Ermita, ang pagkakabansag na terorista sa mga rebeldeng NPA ay ginawa ni State Secretary Colin Powell na sinundan naman ng Europa.
"Sila rin naman ang nagpapatunay na sila ay terorista dahil sa mga aksiyon nila kaya kung meron man dapat sisihin kung bakit nababalita hanggang Europe na talagang sila ay terorista ay sila yon" ani Ermita.
Subalit nilinaw ni Ermita na bukas pa rin ang pinto ng pamahalaan sa usapang pangkapayapaan sa pamamagitan ng back channeling.
Ang Presidente anya ang siyang gumawa ng pasyang ito kaya naghahanda na ang panel ng gobyerno para sa back channeling talks. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended