Nakasaad sa 15-pahinang mosyon ni Jimenez sa SC en banc, sinabi nito na walang nakasaad sa extradition law sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na pinagbabawalan ang isang akusado na makapagpiyansa.
Nilinaw ni Jimenez ang nakasaad sa section 6 ng Presidential Decree 1069 o RP-US Extradition Treaty na kailangang ipaalam sa isang extraditee ang anumang hakbangin ng pamahalaan laban sa isang akusado.
Samantala, itinanggi naman ng kongresista na flight risk siya o madaling makatakas dahil mismong ang mga ebidensiya na kanilang inihain sa Manila Regional Trial Court ang magpapatunay na "low flight risk" ang mambabatas. (Ulat ni Gemma Amargo)