^

Bansa

Cong. Mark Jimenez nag-file na ng motion sa Supreme Court

-
Naghain na kahapon ng motion for reconsideration sa Supreme Court si Manila Rep. Mark Jimenez upang huwag siyang arestuhin at bigyan pa ng pagkakataon na makapagpiyansa habang nakabinbin ang extradition case nito.

Nakasaad sa 15-pahinang mosyon ni Jimenez sa SC en banc, sinabi nito na walang nakasaad sa extradition law sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na pinagbabawalan ang isang akusado na makapagpiyansa.

Nilinaw ni Jimenez ang nakasaad sa section 6 ng Presidential Decree 1069 o RP-US Extradition Treaty na kailangang ipaalam sa isang extraditee ang anumang hakbangin ng pamahalaan laban sa isang akusado.

Samantala, itinanggi naman ng kongresista na flight risk siya o madaling makatakas dahil mismong ang mga ebidensiya na kanilang inihain sa Manila Regional Trial Court ang magpapatunay na "low flight risk" ang mambabatas. (Ulat ni Gemma Amargo)

ESTADOS UNIDOS

EXTRADITION TREATY

GEMMA AMARGO

JIMENEZ

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MANILA REP

MARK JIMENEZ

NAGHAIN

PRESIDENTIAL DECREE

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with