Gamit ng Marcoses malas daw, inalis sa Malacañang
October 11, 2002 | 12:00am
Malas umano kaya napilitan ang Malacañang na tuluyan nang alisin ang mga natitirang gamit nina yumaong Pangulong Marcos at dating Unang Ginang Imelda Marcos sa museo ng Palasyo.
Libu-libong mga mamahaling damit tulad ng mga maborloloy na gown, barong, pantalon, polo shirt at ilang alahas ang inalis na sa museum ng Malacañang.
Dalawang container van at isang military truck ang humakot sa nasabing sangkaterbang gamit at nakatakdang imbentaryuhin ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Inalis ang mga gamit dahil sa nakakasikip na umano ito sa museum at upang pagbigyan naman ang iba pang kagamitan ng mga dating pangulo ng bansa.
Pero, ayon sa ilang impormante, ito ay pampaalis malas daw kaugnay ng napaulat na pagpapasailalim sa punsoy at exorcise sa Palasyo.
Agad naman itong pinabulaanan ni Press Secretary Ignacio Bunye at sinabing nais na ng PCGG na kunin ang mga ito kaya ibinigay ng Malacañang. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended