Sa press briefing kahapon, sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na mula sa kabuuang 30 mga aplikante na isinumite sa puwestong Ombudsman na pinagpilian ng Judicial Bar Council (JBC), tatlo lamang ang isinumite sa Palasyo para pagpilian naman ni Pangulong Arroyo.
Bukod kay Marcelo, nakakuha rin ng tig-5 boto sina Chief State Prosecutor Jovencito Zuno at Social Security Commission chairman Bernardino Abes.
Ang pagpili kay Marcelo ay ibinase umano sa kanyang magandang track record. Kabilang si Marcelo sa tumulong sa impeachment trial sa Senado laban kay dating pangulong Estrada.
Nilinaw ni Bunye na bagaman may karapatan ang Pangulo na pumili kahit sino sa listahan ng 30 nominado, pinagbasehan pa rin niya ang rekomendasyon ng JBC. Wala pang nakukuhang kapalit si Marcelo. (Ulat ni Lilia Tolentino)