General registration sa 2004 election di tuloy
October 10, 2002 | 12:00am
Hindi na matutuloy ang panukalang magkaroon ng general registration para sa mga bagong botante sa national election sa Mayo 10, 2004 makaraang ibasura ng Commission on Election (Comelec)ang paghiling sa Mababang Kapulungan na isabatas ito dahil sa kawalan ng sapat na panahon at sa laki ng pondong kakailanganin para dito.
Ayon kay Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr., hihilingin na lamang ng komisyon sa Kongreso ang karagdagang pondo para sa election modernization na magagamit para sa lokal at pambansang halalan.
Ipinaliwanag ni Abalos na dahil sa naging karanasan ng poll body noong Hulyo 15, 2002 Barangay at Sanguniang Kabataan elections kung saan mismong ang voting population na ng bansa ang nagpatunay na kailangan na nga ng panibagong listahan ng mga botante.
Sinabi ni Abalos na kung magkakaroon ng general registration program ay mababawasan at mawawala ang problemang kinakaharap ng Comelec hinggil sa disenfranchisement of voters, flying voters at disqualification ng tinatayang 1,000 kandidato dahil sa hindi pagrehistro bilang botante.
Inirekomenda rin ni Abalos ang paggamit ng automated counting machines at electronic tabulation and consolidation para mapabilis ang proseso at maiwasan ang manipulasyon.
Samantala ay nabigo naman ang House Commitee on Justice na desisyunan kahapon ang pagkakaroon ng sapat na substance ng impeachment complaint laban kay Comelec Commissioner Luzviminda Tangcangco.
Sa isinagawang pagdinig ng komite, 14 sa 25 miyembro nito ang bumoto ng pabor sa motion ni Davao City Rep. Prospero Nograles na humihiling na idaan sa referendum voting ang pagdedesisyon sa pagkakaroon ng substance ng reklamo.
Bago umusad ang isang impeachment complaint, kinakailangan na sapat ang form o porma nito at ang substance.
Hindi naman pabor si Deputy Majority Leader Alan Peter Cayetano (Taguig) sa pagkakaroon ng referendum voting dahil umano magkakaroon pa ng pagkakataon na maimpluwensyahan ang boto ng mga miyembro ng komite. (Ulat nina Jhay Quejada at Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 3 hours ago
By Doris Franche-Borja | 3 hours ago
By Ludy Bermudo | 3 hours ago
Recommended