Kinuwestiyon ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada, chairman ng committee on foreign affairs, ang pagmamadali ng DFA na trabahuhin ang extradition ni Jimenez sa ilalim ng pamumuno ni dating secretary Domingo Siazon.
Batay sa mga impormasyon, noong Hunyo 17, 1999 natanggap ng DFA ang kalatas ng Amerika tungkol sa kaso sa pamamagitan ng embahada nito.
Nakasaad sa liham ang kahilingan sa agarang pag-aresto kay Jimenez pati na rin ang pagkumpiska sa mga ari-arian nito.
Agad namang ipinasa ng ahensiya sa DOJ ang kahilingan ng Amerika.
Inamin ni DFA assistant secretary Eloy Bello III na ang ahensiya ang unang "line of defense" ng mga Pilipinong nahaharap sa extradition subalit trabaho din umano nila na suriin ang kahilingan at siguraduhing ito ay tumutugma sa nilagdaan ng Pilipinas. (Ulat ni Malou Escudero)