^

Bansa

Kaso ni MJ panahon pa ni Erap minamadali

-
Nabunyag kahapon sa pagdinig ng House committee on justice at foreign affairs hinggil sa estado ng kaso ni Manila Rep. Mark Jimenez na noon pang mga panahon ng kaibigan nitong si dating pangulong Estrada ay minamadali na ang kanyang kaso.

Kinuwestiyon ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada, chairman ng committee on foreign affairs, ang pagmamadali ng DFA na trabahuhin ang extradition ni Jimenez sa ilalim ng pamumuno ni dating secretary Domingo Siazon.

Batay sa mga impormasyon, noong Hunyo 17, 1999 natanggap ng DFA ang kalatas ng Amerika tungkol sa kaso sa pamamagitan ng embahada nito.

Nakasaad sa liham ang kahilingan sa agarang pag-aresto kay Jimenez pati na rin ang pagkumpiska sa mga ari-arian nito.

Agad namang ipinasa ng ahensiya sa DOJ ang kahilingan ng Amerika.

Inamin ni DFA assistant secretary Eloy Bello III na ang ahensiya ang unang "line of defense" ng mga Pilipinong nahaharap sa extradition subalit trabaho din umano nila na suriin ang kahilingan at siguraduhing ito ay tumutugma sa nilagdaan ng Pilipinas. (Ulat ni Malou Escudero)

AMERIKA

APOLINARIO LOZADA

BATAY

DOMINGO SIAZON

ELOY BELLO

JIMENEZ

MALOU ESCUDERO

MANILA REP

MARK JIMENEZ

NEGROS OCCIDENTAL REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with