^

Bansa

Legalisasyon ng FX isusulong sa Senado

-
Hiniling kahapon ni Senator Ramon Magsaysay Jr. kina Transportation Secretary Leandro Mendoza at LTFRB chairman Dante Lantin na payagan na nito ang legalisasyon ng FX taxis kasabay ang pag-aalis sa suspensiyon ng prangkisa nito.

Sinabi ni Sen. Magsaysay, inihain niya ang Senate resolution 453 upang magsagawa ng pagdinig ang Senate committee on transportation kaugnay sa posibilidad na pag-alis ng suspensiyon sa pagbibigay ng prangkisa sa mga FX taxis sa bansa.

Ayon kay Magsaysay, ang patuloy na suspensiyon sa pagkakaloob ng prangkisa sa mga FX taxis ay hindi nakakatulong sa gobyerno at taumbayan.

Aniya, karamihan sa mga nagmamaneho at nagmamay-ari ng mga asian utility vehicles (AUVs) na ito ay mga natanggal sa trabaho o nakakuha ng separation pay at minabuti nilang bumili ng FX upang maipasada nila pero dahil sa suspensiyon ng DOTC at LTFRB para sa prangkisa nito ay iligal silang namamasada.

Ayon naman sa Confederation of FX-Highlander Van Operators and Drivers Association ay napipilitan ang mga FX drivers na maglagay sa mga tiwaling tauhan ng DOTC at LTFRB upang hindi lamang sila mahuli kapag namamasada. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

AYON

DANTE LANTIN

DRIVERS ASSOCIATION

HINILING

MAGSAYSAY

RUDY ANDAL

SENATOR RAMON MAGSAYSAY JR.

TRANSPORTATION SECRETARY LEANDRO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with