Ikinalugod ng Pangulo ang pagkakahirang sa kanya ng partido dahil kung matatandaan, ang LP ang siyang nagdala sa kanyang yumaong ama bilang pangulo ng bansa noong 1959.
Bukod kay yumaong Pangulong Macapagal, ang dalawang iba pang naging presidente ng bansa na mula sa Liberal Party ay sina Elpidio Quirino at Manuel Roxas. Ang LP din ang kasama sa grupong bumuo ng alyansa para sa EDSA 1 at 2 na nagluklok naman kay Pangulong Arroyo sa puwesto.
Nanumpa rin bilang pinuno ng LP si Batanes Rep. Florencio Abad; Manila Mayor Lito Atienza bilang executive president; vice president para sa Luzon si Tarlac Cong. Noynoy Aquino; Rep. Antonio Eduardo Nachura para sa Bisaya; vice president for NCR si Housing Secretary Mike Defensor at maraming iba pa. (Ulat ni Lilia Tolentino)