^

Bansa

LP nagpalakas ng puwersa

-
Pinalakas ng Liberal Party (LP) ang puwersa nito sa pagtatalaga kay Pangulong Arroyo bilang honorary chairperson ng partido bilang paghahanda sa nalalapit na 2004 national elections.

Ikinalugod ng Pangulo ang pagkakahirang sa kanya ng partido dahil kung matatandaan, ang LP ang siyang nagdala sa kanyang yumaong ama bilang pangulo ng bansa noong 1959.

Bukod kay yumaong Pangulong Macapagal, ang dalawang iba pang naging presidente ng bansa na mula sa Liberal Party ay sina Elpidio Quirino at Manuel Roxas. Ang LP din ang kasama sa grupong bumuo ng alyansa para sa EDSA 1 at 2 na nagluklok naman kay Pangulong Arroyo sa puwesto.

Nanumpa rin bilang pinuno ng LP si Batanes Rep. Florencio Abad; Manila Mayor Lito Atienza bilang executive president; vice president para sa Luzon si Tarlac Cong. Noynoy Aquino; Rep. Antonio Eduardo Nachura para sa Bisaya; vice president for NCR si Housing Secretary Mike Defensor at maraming iba pa. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ANTONIO EDUARDO NACHURA

BATANES REP

ELPIDIO QUIRINO

FLORENCIO ABAD

HOUSING SECRETARY MIKE DEFENSOR

LIBERAL PARTY

LILIA TOLENTINO

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MANUEL ROXAS

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with