^

Bansa

Jordanian sa Zamboanga blast tiklo

-
Isang Jordanian national na umano’y miyembro ng isang international terrorist group at sinasabing "utak" sa Zamboanga bombing na pumatay ng isang Amerikano at dalawang Pilipino ang naaresto sa San Juan, Manila kamakalawa ng gabi.

Hindi pumalag ng damputin ng mga ahente ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Bureau of Immigration and Deportation (BID) si Mohammad Amin al-Ghafari, 36, isang undocumented alien, habang nasa loob ito ng isang restoran sa Greenhills shopping center.

Sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ni BI investigator Winnie Quidatop, si al-Ghafari na kasal sa isang Pilipina, ay dapat umalis ng bansa noon pang Agosto 2002 matapos ma-expire ang kanyang visa extension.

Ayon sa military sources, si al Ghafari ay namataan sa Zamboanga dalawang linggo bago naganap ang pagsabog sa karaoke bar na ikinasawi ni US Green Beret Sgt. 1st Class Mark Jackson at 2 pang Pinoy.

Nabatid na ang suspek ay director ng Islamic Wisdom Worldwide Mission Inc. (IWWMI), isang Muslim learning institution na sinasabing nag-ooperate at pinopondohan ni Osama bin Laden sa pamamagitan ng Al Qaeda network sa Southeast Asia para isulong ang Islamic extremism.

Bagaman sinabi ni BID Commissioner Andrea Domingo na ang pagkakahuli kay al-Ghafari ay walang kinalaman sa umano’y pagkakasangkot nito sa Zamboanga bombing, lumakas ang duda na may kaugnayan si al Ghafari sa Al Qaeda ng salakayin ng mga awtoridad ang Madrasah school sa Anda, Pangasinan at madiskubre na ang naturang Islamic learning school ay itinatag ng Rajah Solaiman revolutionary committee at si al Ghafari ang pinuno.

Napag-alaman pa na ang Anda Muslim school ay itinatag hindi para magturo ng Islam kundi para sanayin ang Christian Muslim converts sa paggawa at paghawak ng mga explosives at iba pang terror-related operations.

Samantala, apat na "high risk" foreign nationals ang minamanmanan ngayon ng militar na posibleng may kinalaman sa serye ng pagsabog sa Zamboanga.

Sa report ng Southcom, maaaring ang insidente ay isang "test mission" ng mga suspek na katatapos lamang magsanay sa paggawa ng bomba.(Ulat ni Jhay Quejada)

AL QAEDA

ANDA MUSLIM

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

CHRISTIAN MUSLIM

CLASS MARK JACKSON

COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

GHAFARI

GREEN BERET SGT

ISANG

ZAMBOANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with