Senatorial slate ng LDP plantsado na
October 8, 2002 | 12:00am
Nagsimula nang mag-organisa ang Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) bilang paghahanda sa kanilang senatorial slate para sa 2004 elections kung saan ay nangunguna sa kanilang listahan sina Senators Tessie Aquino-Oreta at Rodolfo Biazon.
Kabilang din sa listahan ng senatorial candidates ng LDP ang mga dating senador na sina Juan Ponce Enrile, Miriam Defensor-Santiago at Francisco Tatad at mga miyembro ng Kamara na sina Representatives Carlos Padilla at Ted Failon.
Kinokonsidera rin ng LDP ayon sa spokesman nitong si Ramon Bagatsing Jr. na panlaban sa senate race sina Camarines Sur Gov. Luis Villafuerte at North Cotabato Gov. Manuel Piñol at Ilocos Norte Rep. Imee Marcos.
Sinabi pa ni Bagatsing na lalong lalakas ang LDP candidates kung ang PDP-Laban ni Sen. Aquilino Pimentel Jr. ay magkakaroon ng koalisyon sa kanilang partido.
Aniya, sa mga isinagawang surveys ay lumilitaw na siguradong panalo sina Oreta, Biazon, Enrile, Defensor, Pimentel at Tatad habang malakas namang kandidato sina Padilla, Failon, Villafuerte, Piñol at Marcos.
"If senatorial elections were to be held today, the opposition candidates will be the runaway winners," wika pa ng LDP. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest