Bunye lusot sa CA
October 8, 2002 | 12:00am
Tiyak na ang paglusot ni Press Secretary Ignacio Bunye sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) matapos makumpirma kahapon sa committe level para sa interim appointment nito.
Hindi tinutulan nina opposition Senators Tessie Aquino-Oreta at Edgardo Angara ang kumpirmasyon ni Sec. Bunye sa committee on government corporations ng CA subalit kinompronta nila ang kalihim hinggil sa pagpapalabas ng pahayag na ang oposisyon ang nasa likod ng disinformation campaign laban sa Arroyo government.
Nilinaw naman ni Sec. Bunye kina Senators Angara at Oreta na wala siyang tinutukoy na nasa likod ng disinformation drive laban sa Arroyo govt kasabay ang pangako na lilinawin ito sa media upang mawala ang impresyon ng publiko na ang United Opposition ang sinasabing may pakana nito.
"It should have been Bunyes job as Press Secretary to correct the misconception, what purpose does the Office of the Press Secretary serve if it becomes a party to misleading reports in the media and does not bother to correct such reports originating from it," wika ni Oreta.
Nakatakdang sumailalim bukas sa idaraos na plenary session ng CA si Bunye kung saan inaasahang wala ng magiging hadlang para sa kanyang tuluyang kumpirmasyon. (Ulat nina Lilia Tolentino/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended