Kuto nakaka-bobo!
October 6, 2002 | 12:00am
Alam ba ninyo na sa ibang bansa, sapat nang dahilan ang pagkakaroon ng kuto ng isang estudyante upang pansamantalang ipasara ang pinapasukan nitong paaralan o di kaya naman ay kasuhan ang magulang nito?
Isa sa pangunahing dahilan ng mababang academic performance ng isang batang mag-aaral ay ang louse infection o kuto.
Base sa ulat ng Department of Health (DOH), ang bloodsucking arthropod o pediculus humanus capitis sa buhok ng isang batang nag-aaral ay sapat na upang maalis ang atensyon nito sa lecture ng kaniyang guro at mabuhos ang pansin sa pagkakamot ng ulo.
Ang biglaang pagkawala ng atensyon dahil sa sobrang kati ng anit ang dahilan kung bakit nawawala ang focus ng meron nito.
Ang average na bilang ng kuto na maaaring mabuhay sa buhok ng isang paslit ay hanggang 60 at ito ay may kakayahang sumipsip ng hanggang 1.2 milliliters ng dugo at nabubuhay sa loob ng 20 araw.
Mataong lugar, poor hygiene at individual transfer ang ilan sa mga dahilan ng pagkakaroon ng kuto.
Ang mga primary schoolers ang mas madaling kapitan ng kuto at sila rin ang kadalasang nakakaranas ng epekto nito.
Sinabi naman ni DOH regional entomologist Ursula Segundo na palibhasa malikot at nasa estado ng pagkalito ang mga pre-puberty group ay nagiging matigas ang ulo ng mga ito at hindi sumusunod kapag sinasabing magsuyod ng buhok.
Tiniyak naman ni Dr. Antonio Bautista ng DOH na wala pa namang naiuulat na malalang sakit na dala ng kuto. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended