^

Bansa

Utang ng 'Pinas sa US ililista sa tubig kung...

-
Kailangang samantalahin ng Pilipinas ang pagkakataon na ma-write off ang hanggang $480 milyon na utang ng bansa sa Estados Unidos kung ito’y mag-a-avail ng programa sa ilalim ng US Tropical Forest Conservation Act (TFCA).

Ito ang posisyon na ini-ere kahapon ni Senate Majority Leader Loren Legarda matapos makatanggap ng liham mula kay US Ambassador Francis Ricciardone tungkol sa pagkalinga na magagawa sa tropical forest ng Pilipinas sa ilalim ng TFCA.

Sa ilalim ng TFCA, ang ipambabayad dapat ng Pilipinas sa US ay gagawin na lang pondo ng mga programang may kinalaman sa pagpapalawak at pagpapalago ng tropical forest sa bansa. Ira-write off ng US ang utang base sa komputasyong pagkakasunduan pa ng US Treasury Department at ng Philippine Department of Finance. (Ulat ni Rudy Andal)

AMBASSADOR FRANCIS RICCIARDONE

ESTADOS UNIDOS

KAILANGANG

PHILIPPINE DEPARTMENT OF FINANCE

PILIPINAS

RUDY ANDAL

SENATE MAJORITY LEADER LOREN LEGARDA

TREASURY DEPARTMENT

TROPICAL FOREST CONSERVATION ACT

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with