^

Bansa

OFWs naiipit sa sagupaan sa Ivory Coast

-
Dahil sa nagaganap na rebelyon sa Ivory Coast, inutos na ng pamahalaan ang agarang paglilikas sa mga manggagawang Pilipino na kasalukuyang naiipit sa sagupaan sa pagitan ng tropa ng naturang pamahalaan at nag-aaklas na mga sundalo.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 94 ang bilang ng mga Pilipino sa Ivory coast mula sa ipinalabas na bilang na 87. Gayunman, nahihirapan umano na mahanap ang lokasyon ng mga ito dahil na rin sa kawalan ng embahada doon.

Ayon sa report ni RP Ambassador to Nigeria Masaranga Umpa sa Department of Foreign Affairs, kontrolado na ng mga rebeldeng sundalo ang siyudad ng Bouake at Northern Korhogo sa Ivory Coast at nagbabanta pang sakupin at manggulo sa ibang kalapit na lungsod.

Dahil dito, nagkaroon na rin ng panic buying ang mga mamamayan sa Ivory Coast dahil sa pangambang bumagsak ang kanilang ekonomiya mula sa nagaganap na rebelyon na tinataya nilang magtatagal pa ng ilang linggo hanggang hindi ibinibigay ng pamahalaan ang kanilang mga kahilingan.

Nagpalabas na ng kautusan si Pres. Laurent Gbagbo na ipatupad ang curfew sa buong Ivory Coast.

Magsisimula ang nationwide curfew bandang alas-8 ng gabi at magtatapos ng alas-6 ng umaga. (Ulat ni Ellen Fernando)

AYON

DAHIL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

IVORY COAST

LAURENT GBAGBO

NIGERIA MASARANGA UMPA

NORTHERN KORHOGO

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with