Itoy sa gitna na rin ng umanoy paglutang ng mga alegasyon na nagtanim ng ebidensiya ang mga tauhan ng VRB kasama ang iba pang law enforcement agencies laban sa isang ni-raid na illegal na pagawaan ng pirated CDs sa Valenzuela kamakailan.
Pinaalalahanan ni Revilla ang publiko na huwag basta maniwala sa mga paninira laban sa kanyang tanggapan na kagagawan umano ng mga sindikatong nasa likod ng pagpapakalat ng pirated CDs na labis na pumipinsala sa industriya nito.
Base sa lumabas na ulat, nagtanim umano ng ebidensiya ang mga tauhan ng VRB kasama ang Presidential Security Group, Task Force Jericho ng DILG sa pamumuno ni P/Insp. Joselito Savares matapos salakayin ang replicating plant ng Discmakers Inc. sa Punturin, Valenzuela nitong Setyembre.
Ayon naman kay Savares, legal ang raid base sa ipinalabas na search warrant ng Pasig RTC at umanoy hindi nila asset ang isang nagpakilalang Ronald Onio na siyang nag-expose ng umanoy pagtatanim ng ebidensiya ng raiding team. Nilinaw ni Savares na nadatnan na umano nila si Onio ng isagawa ang pagsalakay.
Base sa rekord, simula ng iluklok si Revilla ni Pangulong Arroyo sa VRB ay umaabot na sa 5 milyong piraso ng pirated videograms at bultu-bultong replicating machines na umaabot sa P2 bilyon ang nasamsam. Dahilan din sa sunud-sunod na raid ng VRB ay nakakatanggap na ng death threats si Revilla. (Ulat ni Joy Cantos)